Linggo, Pebrero 26, 2012

Katanungan sa Patalastas

1.) Bakit mo napili ang iyong produkto sa patalastas?
Dahil higit sa ano pa man, mas madaling ibenta ang mga gamot dahil nakakatulong ito sa kalusugan ng tao upang magkaroon ng maayos na pamumuhay. Mainam din ang mga produktong gawa sa natural na sangkap at pamamaraan.

2.) Ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng iyong produkto?
Mabuti ang epekto ng aking produkto sa sakit ng katawan at iba pang karamdaman tulan ng pangangalay at [amamanhid dulot ng labis na pagod. Wala itong halonh synthetic na sangkap kung kaya mura at mas epektibo. Kaya nga lang, hindi mabuti ang epekto nito sa mga batang may edad na 3 taong gulang pababa dahil sila ay maaring sensitibo sa naturang produkto.

Patalastas

 



EVIAN Herbal Liniment

mabisa sa:
- sakit ng katawan
- pampakinis ng kutis
- iwas pangangalay at pamamanhid


Gawa mula sa mga natural na sangkap na nakakatulong sa pagppanatili ng maayos at magandang kalusugan.

( Huwag gamitin sa mga batang edad 3 taong gulang pababa. )

Pag-ibig

Inilabas ni Thess ang panyo sa kanyang bulsa upang pahirin ang tumulong luha sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos akalain na napakasal siya kay Ivan, ang lalaking pinakamamahal niya. Parang isang panaginip na nagbalik-tanaw siya sa nakaraan. Ayon sa pagsusuri nuon kay Ivan, kinakailangan na operahin ang puso nito upang magamot ang karamdaman nitong kanser. Inisip niya na ito ay hindi hadlang sa kanilang pag-iibigan, bagkus ay ibinigay lamang ito ng Diyos upang subukin ang katatagan ng kanilang pagsasama. Matapos operahan ni Ivan, nagpasya silang magsimula muli at pahiran ng kulay ang panibagong buhay na bigay ng Diyos sa kanya. Heto sila ngayon, nalalapit nang m,ag-isang dibdib. Napapitlag siya nang biglang binuksan ng kanyang ina ang pinto upang subukan kung siya ay nakaayos na. Tumango siya at ngumiti. Samantala, naghihintay na sa simbahan ang paring magpapakasal sa kanila; at higit sa lahat si Ivan.

Lunes, Disyembre 5, 2011

Retorika

1.) Bakit mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao?

Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan sa mga aktibidadis na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng  pagbibigay diin sa mga puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.

2.) Ano ang kahalagahan ng retorika sa:

a. Edukasyon
Sa pamamagitan ng retorika, tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon na magbigay ng panuto at paglalapat nito sa anumang bagay na may kaalaman tayo. Ang retorika rin ay nagbibigay daan upang malaman natin nang maayos at mainam ang mga dapat nating matutunan sa pag-aaral at magamit ito sa pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral. Tulad ng mga bagay-bagay na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag, nalalaman natin ang saysay at gamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na  "medium" ng mga guro at propesor sa paghahatid ng mga impormasyon at kaalaman na dapat na malaman ng kanilang mga mag-aaral.

b. Relihiyon
Sa relihiyon, mahalaga ang retorika sa pagpapalawak ng pananaw upang magkaroon ng kaisahan ang mga magkakasalungat na paniniwala ng bawat relihiyon. Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at pangangatwiran. Ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na kailangang magkaroon ng malawak na pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag nang may galang at kabanalan ang mga salita ng Diyos.

 c. Kursong Pinili
Ang aking kursong pinili ay nangangailangan ng pakikipag-usap at pakikipag-argumento nang may saysay at mabisang paraan upang makahikayat ng mga taong nakikinig. Sa pamamagitan ng retorika, magkakaroon ako ng kalakasan sa pagtatalumpati at pagsasalita sa harap ng maraming tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ko nang may katuturan ang mga ideya at paniniwala na nais kong iparating sa mga tagapakinig.Nakatutulong din ang retorika sa pagbibigay diin sa aking mga punto at dahilan sa pag-aargumento at pakikipag-usap.